LA UNION – Hindi na umano nakatiis pa at makayanan ng mahigit sa 20 mga rebelde na magutom sa kagubatan kung kayat nagdesisyon ang mga ito na sumuko sa gobyerno, sa gitna ng krisis na dulot ng COVID 19.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Lt. Col. Reandrew P. Rubio, acting commanding officer ng 91st Infantry Battalion, Philippine Army, sinabi nito na boluntaryong sumuko ang 10 Militia Bayan at 16 na supporters ng NPA sa mga suldado na nakabase sa Umiray, Dinggalan, Isabela noong umaga ng Abril 15.
Kasabay ng kanilang pagsuko ang isinukong mga armas, apat na low powered firearms na kinabibilangan ng 2 cal. 38, 1 homemade shotgun at isang homemdae converted cal. 22
Ayon kay Rubio, nabigyan na ng relief goods ang mga sumukong rebelde bilang paunang tulong sa kanila ng pamahalaan.