LA UNION – Patay ang tatlong dalagita na matapos malunod ang mga ito sa Balili River ng Barangay Upper Bimmutubot sa bayan ng Naguilian, La Union.

Nakilala ang mga nasawing biktima na magkapatid na sina Rona Joy Camarao, 17, at Leonica Camarao, 14; kasama ang kanilang pinsan na si Leonica Camarao, 14, pawang mga residente ng Barangay Dagup sa bayan ng Bagulin sa lalawigan.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Naguilian Police Station, nag-picnic ang mga biktima kasama ang kanilang pamilya sa Balili River habang nasa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Matapos mananghalian ang mga biktima ay sabay-sabay a lumusong umano ang mga ito sa tubig upang maligo.

Nang mapansin ng mga kaanak na nawawala ang mga biktima ay agad nilang hinanap ang mga ito.

Sa paghahanap ay nadiskobre na lumulutang na lamang ang tallo kaya nagpasaklolo sila sa pulisya.

Isinugod ang mga biktima sa Naguilian District Hospital ngunit idineklarang patay na ang mga ito doktor.