LA UNION – Patay ang isang pitong taong gulang na batang lalaki matapos maaksidente ang inangkasan nitong motorsiklo na minamaneho ng kanyang ama sa Barangay San Vicente Sur sa bayan ng Agoo, La Union.

Nakilala ang nasawi na si Dhan Marco Nardo, habang sugatan naman ang ama nito na si Domingo Nardo, 26, residente ng Barangay Sta. Rita Central sa nasabing bayan.

Base sa imbestigasyon ng Agoo Police Station, nag-overtake umano sa sinusundang kotse na minamaneho ni Jefferson Nisperos ng Barangay Nazareno si Domingo sa outerlane ng kalsada.

Ngunit nang makalampas ito ay bigla umano siyang bumalik umano sa innerlane ng kalsada kaya nabangga siya ng naturang kotse.

Dahil dito, kapwa isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang mag-ama ngunit binawian ng buhay na nabanggit na bata.

Sugatn din umano ang isang pasahero na nasabing kotse na si Jaime Corpuz, 19, residente ng Barangay Nazareno.

Nabatid na wala umano suot na helmet ang mag-amang Nardo nang mangyari ang aksidente.