LA UNION – Sa kulungan ang bagsak ng isang merchandiser matapos maaktuhan ng mga otoridad na iligal na droga ang ibinebenta nito.
Sa isinagawang buy bust operation ng Rosario Police Station kasama ang PDEA Region One sa Barangay Subusub, Rosario, La Union, ang suspek na nakilalang si Aladin Castillo, 28, binata, merchandiser ng Friendship Supermarket at residente ng Barangay Alipang sa natura ding bayan.
Kinumpiska mula sa pag-iingat ng suspek ang ibinenta nitong (1) heat sealed plastic sachet ng umano’y marijuana leaves with fruiting tops at isang kaha ng sigarilyo na naglalaman umano ng (6) sticks ng pinaniniwalaang dried marijuana leaves, at P100 na nagsilbing buy bust money.
Ang suspek na itinuturing ng pulisiya na Newly Identified Drug Personality ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa R.A. 9165