Hinimok ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Julie Dondon Patidongan o alyas “Totoy” na sa kanilang tanggapan maghain ng kanyang complaint affidavit.
Ito’y kasunod nang pagkakadawit ng labinlimang pulis sa kaso ng missing sabungeros
Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairperson-Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, mabilis nang tatlong beses ang proseso kung direktang isusumite sa NAPOLCOM ang reklamo dahil nasa kanila din naman ang pinal na desisyon.
Aniya, ang pulis ng mga pulis ay ang NAPOLCOM.
Gayunman, tiniyak naman ni Calinisan na maaari pa rin naman silang magsagawa ng moto-proprio investigation sakaling hindi sa kanila ihain ang reklamo.
Una nang sinabi ng Department of Justice (DOJ) na nasa restricted custody na ang 15 pulis na iniuugnay sa pagkawala ng ilang sabungero.