Patuloy ang paghikayat ng PAG-IBIG Fund sa mga miyembro nito na subukan ang mga loan programs ng ahensiya.

Sa naganap na press conference kahapon, Mayo 29, sinabi ni Atty. Marcial C. Pimentel Jr. Acting Deputy Chief Executive Officer – Member Services Cluster, nakakatulong ang pag-avail sa mga programa sa magandang kinabukasan at hindi lamang sa negosyo.

Isa na rito ang barkada loan na nakalaan sa mga aktibo at magkakaibigang miyembro na nagbabalak magnegosyo ngunit kapos sa budget.

Sa ilalim ng nasabing loan, maaaring magsamasama ang hindi bababa sa tatlong miyembro upang mas malaki ang kanilang mahihiram na pera.

Layunin ng programa na isulong ang responsableng panghihiram at at collective entrepreneurship na makakatulong sa mga miyembro na makapagpatayo ng alternatibong pagkakakitaan upang makamit ang pangmatagalang financial security.

Samantala, siniguro naman ng Pag-IBIG fund na magpapatuloy ang programa upang mas marami pang Pilipino ang matutulungan ng ahensiya.