Nagsagawa ang Provincial Government of La Union (PGLU), sa pamamagitan ng Provincial Health Office (PHO), ng isang intensive Safe Motherhood Training seminar noong Hulyo 10, 2026 sa Speaker Pro-Tempore Francisco I. Ortega Convention Center upang higit pang mapalakas ang kakayahan ng mga frontline health workers sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.
Sa pangunguna ni Provincial Health Officer Herminigildo M. Velasco, isinagawa ang capacity-building activity bilang pagkilala sa mga komadronang naglingkod nang hindi bababa sa 10 taon. Naghatid din ng mensahe ng suporta si Board Member at Committee on Health and Sanitation Chair Ruperto A. Rillera.
Alinsunod sa temang “Panangsalaknib kadagiti Ina ken Ubing iti Probinsya ti La Union,” tinalakay sa pagsasanay ang advanced prenatal care protocols para sa maagang pagtukoy at pamamahala ng high-risk pregnancies, Partograph Utilization bilang standardized labor monitoring tool, Nutrition in Emergencies para sa mga buntis at sanggol sa panahon ng climate shocks o health crises, at Efficient Data Management para sa mas maayos na patient tracking at allocation ng health resources.
Matapos ang mga lecture, nagsagawa rin ng Practicum on Counseling and Leopold’s Maneuver upang higit pang mapaunlad ang kasanayan ng mga healthcare workers sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo.
Patunay ang inisyatibang ito sa patuloy na suporta ng PGLU sa pagpapatibay ng kalusugan at kaligtasan ng bawat mamamayan sa lalawigan.





