LA UNION – Palaisipan pa rin sa pulisya ang nangyaring pamamaril sa bahay ng barangay chairman ng Quirino, Bacnotan, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bacnotan Police, hindi pa rin tukoy ang salarin na bumaril sa tirahan ng 50-anyos na si Kapitan Marvin Cardinez.

Dakong alas-2:00 kaninang madaling araw nang paputukanng anim na beses ang gate ng naturang bahay kasunod ang agarang pagtakas ng suspek sakay ng 4-wheeler vehicle.

Maaaring cal .45 na baril ang ginamit sa pagpapaputok ng salarin.

Ayon naman kay kapitan Cardinez, maging ito ay hindi rin alam ang malinaw na dahilan ng pag-atake ng suspek dahil wala naman itong nakakaalitan.