LA UNION – Suspendido ng 60 araw si Punong Barangay Joel Caluza ng Barangay Payocpoc Norte Weste sa bayan ng Bauang, La Union matapos ang inilabas na resolusyon ng Sanguniang Bayan dahil sa umano’y paglalagay ng illegal fish pen sa nasasakupan nitong lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Cris Palabay, isa sa mga tumatayong complainant laban sa punong barangay, sinabi nito na agad inihain ni Bauang Municipal Mayor Menchie de Guzman ang suspensyon order dahil sa naturang resolusyon.
Ayon kay Palabay, maliban sa kasong administratibo ay inihahanda na rin nila ang kasong kriminal laban kay Caluza kasama si Bauang Municipal Councilor Warlito Dauz.
Nasa pagsisiyasat ngayon sabi ni Palabay ng Sanguniang Panlalawigan ng La Union ang inihain na kaparehong reklamo laban kay Dauz.
Dagdag pa ni Palabay, nilabag umano ng dalawang opisyal ang Republic Act 8550 o ang The Philippine Fisheries Code of 1998, at ang Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.