LA UNION – Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Caba, La Union na pagkakalooban nila ng kaukulang tulong ang pamilya ng mga biktima ng car accident na nangyari sa bansang Singapore.

Nabatid ng Bombo Radyo kay Caba Municipal Councilor Donna Crispino, nakikigpaugnayan na rin sila sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para sa pagpauwi sa bangkay ni Arlyn Nucos at ang maaari pang suporta sa kapatid nito na si Arcely na nagpapagaling sa ospital sa nabanggit na bansa.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang pamahalaan pambayan ng Caba sa pamilya ng mga naturang OFWs.

Una rito, habang nasa kalagitnaan ng pasasaya sa day-off kahapon ng mga OFws sa harapan ng Lucky Plaza Mall sa Singapore nang masagasaan ang mga biktima ng rumaragasang kotse.