LA UNION – Nagpapagaling ngayon sa ospital ang isang Chinesse na nasagip mula sa pagkalunod sa dagat ng Tsim Sha Tsui sa Hong Kong (HK).

Ang isinagawang rescue operation ng mga otoridad ay natunghayan at nakuhanan mismo ng video ng Filipino Tourist at taga-La Union na si Cristopher Victoriano na nagbabakasyon sa nasabing bansa.

Sa kwento ni Victoriano, nahulog mula sa sinasakyang tour boat ang naturang Chinese at agad naman itong nasaklulohan ng mga rescuers sa pamamagitan ng paghagis ng salbabida.

Matutunghayan sa video footage na nakakapit sa salbabida ang nasabing turista na nanghihina habang ihiaahon mula sa dagat.

Matapos malapatan ng first aid ay dinala agad ito sa ospital.

Ang Tsim Sha Tsui sa Hong Kong ay isa rin sa mga lugar na dinadayo ng mga manlalakbay.