LA UNION – Inihahanda na ang patung-patong na kaso laban sa drug surrenderer na namugbog ng kanyang live-in at nagpaputok na baril sa bayan ng Naguilian, La Union.
Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Naguilian Police Station, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng 53-anyos na suspek at ang 54-anyos na live-in nito kasunod ang pananakit.
Nagpaputok pa umano ng baril ang suspek matapos ang pamumugbog at nagawa pa nitong tutukan ang kanyang pinsan.
Sa pagresponde ng mga pulis, nahuli ang suspek at nakompiska rin ang sandata nito.
Dahil sa ginawa ng suspek ay sasampahan ito ng kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Children, Illegal Possession of Firearm, at alarm and scandal.