LA UNION – Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pagpatay sa dating punong barangay na umano’y kabilang sa drug list sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Rissing sa bayan ng Bangar, La Union.

Nakilala ang biktima na si Roger Sibayan, 39, dating kapitan ng Barangay Rissing sa bayan ng Luna sa lalawigan.

Base sa imbestigasyon ng Bangar Police, linusub umano ng mga suspek ang family house ng kapitan sa bayan ng Bangar kaninang alas-3:20 ng madaling araw.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo sa ina ng dating kapitan na si Ginang Josie Sibayan, sinabi nito na nakita nilang makakasambahay kung paano kinaladkad at pagbabarilin si Roger ng apat na hindi pa nakikilalang salarin.

Wala umano silang nagawa upang labanan ang mga suspek na pawang may mga baril.

Samantala, hindi pa rin alam ng pulisya at pamilya ng dating kapitan ang tunay na motibo sa pamamaslang.

Nabatid na noong August 2016 ay naaresto si Roger habang ito na nanunungkulan bilang kapitan ng kanilang barangay matapos matuklasan ng mga pulis sa isinagawang search operation ang itinatago umano nitong shabu at bala ng baril sa loob ng kanyang bahay.

Sa nabanggit na taon ay itinuturing ng pulisya na No.1 drug personalityng bayan ng Luna habang No. 8 naman sa buong lalawigan ng La Union o high value target (HVT) drug personality ang nasabing biktima.