LA UNION – Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng responsable sa pag-aabandona ng isang fetus sa Barangay Lingsat sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo na nadiskobre ng mga residente ang naturang fetus na nakapaibabaw sa konkretong bakud na malapit sa daanan.

Base naman sa pagtataya ng San Fernando City Health Office, maaaring kaluluwal pa lamang ang fetus na nasa tatlong buwan na mula sa sinapupunan ng ina dahil sariwa pa ang dugo nito .

Palaisipan din sa mga naninirahan doon kung sino ang ina na umano’y nagpalaglag nito.