LA UNION – Mahigit sa 200 mga kandidato para sa barangay at SK positions ang dumalo sa peace covenant signing kahapon sa bayan ng Santol, La Union at nanumpa para sa maayos, mapayapa, at malinis na halalan sa Mayo.

Maliban sa mga kandidato, ang peace covenant ay sinaksihan din ng Santol Police Station na pinamunuan ni PSI Felipe Ruiz (chief-of-police), LUPPO, Comelec, at religious sector.

Napag-alaman na bago nanumpa ang mga aspirants, isinagawa ang isang banal na misa sa Our Lady of Victory Parish na pinangunahan ni Rev. Fr. Manuel Jayson M. Ragil.

Ang panunumpa ng mga nasabing kandidato sa peace covenant ay pinangunahan ni PCI Joel Lagto.