LA UNION – Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Ilocos Training Center and Medical Center sa lungsod ng San Fernando, La Union ang dalawang crew members ng Iranian tugboat dahil sa nahihirapan umano ang mga itong huminga habang naglalayag sa bahagi ng West Philippine Sea.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa San Fernando City Police Office, nag-emergency docking ang naturang sasakyang pandagat sa pantalan ng Poro Point sa lungsod ng San Fernando upang ipagamot ang cook na si Abbas Hajian Ahmadi at ang chief engineer na si Yasin Marbout, mabilan sa kanilang kapitan na si Yousef Deris.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang dahilan ng pagkakasakit ng mga nasabing dayuhan at ang pakay ng mga ito sa paglalayag sa West Philippine Sea.