LA UNION – Arestado ang isang mekaniko matapos makompiska ang isang baril at mga bala mula sa kanyang tirahan sa Barangay Tabtabungao sa bayan ng Rosario, La Union.

Nakilala ang suspek na si Janvier Rafael Dungan, 29, tubong Barangay Gana sa bayan ng Caba, La Union at naninirahan sa Barangay Tabtabungao.

Sa ulat na nakalap ng Bombo Radyo mula sa Rosario Police Station, hinalughog ng mga otoridad ang naturang bahay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng search warrant ng ipinalabas ni Dagupan City, Pangasinan, Regional Trial Court Branch 40 Judge Mervin Jovito S. Samadan.

Natuklasan ng pulisya mula sa bahay ni Dungan ang isang cal .45 pistol at iba’t ibang uri ng bala ng baril.

Illegal possession of firearm and ammunations o paglabag sa Republic Act 10591 ang kasong kinakaharap ngayon ng naturang suspek sa hukuman.