LA UNION – Naihain na sa piskalya ang kasong paglabag sa Comprehensive on Dangerous Drugs Act laban sa mister na umano’y nagbebenta ng shabu sa Barangay Pugo sa bayan ng Bauang, La Union.

Nakilala ang suspek na si Jonas Mazon, alyas Ballot, 31-anyos, at sinasabing kabilang sa listan ng drug personality sa nasabing bayan.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bauang Police Station, nakompiska mula sa suspek ang isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu; P1,000 bill na nagsilbing buy-bust money; cellphone na ginamit umano sa transaksyon; at isang motorsiklo.

Nanatili sa himpilan ng pulisya si Mazon habang hinihintay ang kahihinatnan ng kaso nito sa hukuman.