LA UNION – Dead on arrival sa ospital ang motorcycle rider, habang sugatan naman ang angkas nito matapos masagasaan ng kanilang sasakyan ang isang aso sa kahabaan.

Makilala ang nasawi na si Adrian Oler, 18, at ang angkas nito na si Emil John Oler, 24, kapwa residente ng Barangay Pao sa nasabing bayan.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Balaoan Police, habang tinatahak umano ng mga biktima ang kalasada na sakay sa motorsiklo ay nasagasaan nila ang aso na biglang tumawid kanilang dinadaanan at bumangga pa sa concrete marker ang kanilang sasakyan.

Tumilapon umano ang dalawa mula sa motorsiklo kaya kapwa sila nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Dinala sa Balaoan District Hospital ang mga biktima ngunit binawian ng buhay si Adrian dahil sa malubhang pinasalang natamo nito sa nangyaring aksidente.

Kasalukuyan pa rin na nagpapagalin si Emil sa pagamutan.

Samantala, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente upang alamin kung sino ang may panangutan sa nangyaring aksidente.