TUBAO, LA UNION – Inihanda na ang kaso laban kay Sangguniang Bayan Member Michael Mapalo ng Barangay Gonzales, Tubao, La Union matapos makompiska ng mga otoridad ang dalawang baril at iba’t ibang uri ng bala sa loob umano ng kanyang tirahan sa nabanggit na lugar.

Ito ay matapos isilbi ng pulisya ang search warrant na inilabas ni Agoo, La Union Regional Trial Court Branch 31 Judge Romeo Atillo Jr. na may petsa na March 26, 2021 dahil sa umano’y paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms Law.

Nakumpiskar umano mula sa tinitirhan ng opisyal ang isang caliber .45 pistol armscor, isang piraso ng magazine para sa caliber .45 pistol, apat na piraso ng live ammunition ng caliber .45, isang unit ng caliber 5.56 M-16 rifle, isang magazine ng M-16 rifle at 10 piraso ng live ammunition para sa Caliber 5.56 M-16 rifle.

Si Mapalo ay nasa kustodiya ngayon ng CIDG La Union habang hinihintay ang pagsailalim nito sa inquest proceeding.