SUGPON, Ilocos Sur – Umaabot sa mahigit P6 million na halaga ng tanim na marijuana sa pitong plantasyon ang sinira ng mga otoridad sa boundary ng bulubundukin ng Barangay Danac, Sugpon, Ilocos Sur at Barangay Tacadang, Kibungan, Benguet.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Sugpon Police Station, maliban sa pagbunog sa mga naturang pananim ay sinira din ng mga operatiba ang mga pinatuyong dahon nito.

Nabigo naman ang mga otoridad na mahuli ang nangangasiwa ng plantasyon.

Maliban sa iba’t ibang unit ng pulisya ay kasama rin sa isinagawang pagsunog sa mga marijuana ang mga kawi ng Philippine Drug Enforcement (PDEA) Regional Office-1.