LA UNION – Usap-usapan na rin ng ilang naninirahan sa America ang posibleng pag-upo bilang acting president ni US House Speaker Nancy Pelosi.
Ayon ay Bombo International News Correspondent Cirilo Alejandro na ngayon ay nasa Alaska, nagiging paksa na rin umano ng mga dalubhasa sa politika sa US ang maaring pansamantalang pamumuno ni Pilosi sa naturang bansa.
Hangga’t hindi umano nareresolba ang mga kaso na may kinalaman sa presidential election ay wala munang uupo bilang nahalal na pangulo sa January 2021 at maaaring si Pilosi muna ang pansamantalang mangangasiwa sa White House.
Sabi ni Alejadro, maraming umanong inihain na kaso na kaso si incumbent President Donald Trump sa iba’t ibang estado dahil sa sinasabing dayaan sa election.
Hindi pa rin natatapos aniya ang halalan sa US dahil kasalukuyang iniimbestigahan ang ilang voting machine na umano’y nagamit bilang instrumento sa pagmamanipula ng halalan.