LA UNION – Nasunog kaninang umaga ang ilang bahagi ng pangatlong palapag ng Saint John Bosco College of Northern Luzon Inc. sa Barangay Lingsat, City of San Fernando, La Union.
Ayon kay FCINSP Edwin Orejudos, una silang nakatanggap ng tawag bandang alas-6:40 ng umaga at pasado alas-siete ng umaga nang idineklara itong fire out.
Bago pa naganap ang sunog ay nakarinig ng putok ang mga mag-aaral.
Partikular na nasunog ang tatlong classrooms na mayroong dibision na gawa sa kahoy, kasama ang mga upuan, electrical appliances, gayundin ang cashier ngunit hindi naapektuhan ang mga dokumento at perang nakalagay sa vault.
Dahil sa insidente ay sinuspende muna ang pasok ngayong araw at isinailalim muna sa Asynchronous ang klase.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasion at pangangalap ng ebidensya sa nangyaring sunog na posibleng dahil sa electrical issues.
Paala ni FCINSP Edwin Orejudos na tanggalin ang mga nakasaksak na electric appliances bago umalis upang maiwasan ang sunog.###
PLAY VIDEO CLIP – FCINSP OREJUDOS 1





