Patuloy na tinitiyak ng Provincial Government of La Union (PGLU) ang kalinisan at kaligtasan ng mga ilog at inland water sa 20 ecotourism areas sa lalawigan sa pamamagitan ng regular na water quality monitoring na pinangungunahan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO).

Kabilang sa mga mino-monitor ng PG-ENRO ang Kinmadilyan Falls sa Sudipen, Maragayap River sa Barangay Bungol, Balaoan, Tangadan Falls sa San Gabriel, Bulalakaw Falls sa Bagulin, Tapuakan River sa Pugo, Occalong Falls sa Luna, Baroro River sa Bacnotan, Tuddingan Falls sa Naguilian, Budahaw Falls sa Burgos, Simminublan Falls at Anito Falls sa Santol, Ifugao River sa Tubao, Aringay River sa Aringay, at mga water quality monitoring stations sa Rosario, Sto. Tomas, at San Juan.

Sa pamamagitan ng mga datos na nakokolekta, nasusuri ng PG-ENRO ang kalidad at kondisyon ng tubig sa lalawigan upang matukoy ang mga environmental concern at makapagpatupad ng agarang solusyon at epektibong environmental management.

Nakatutulong din ang mga datos sa pagpapatupad ng mga programa para sa pollution prevention, sustainable water management, at conservation ng aquatic ecosystems. Isinasagawa ang monthly monitoring bilang bahagi ng patuloy na water conservation initiatives ng lalawigan.