Idineklara ng Philippine National Police (PNP) na naging “generally peaceful and orderly” ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang malawakang pagpapatupad ng seguridad sa Batasang Pambansa at iba pang bahagi ng Metro Manila.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., walang naitalang marahas o untoward incident sa kabuuan ng SONA. Aniya, bunga ito ng koordinasyon ng PNP sa Armed Forces of the Philippines, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at lokal na pamahalaan ng Quezon City.
Mahigit 20,000 pulis ang idineploy upang mangasiwa sa seguridad, traffic management at crowd control, habang pinayagan ng Quezon City ang tatlong grupo—BAYAN, Sanlakas at Better Brighter—na magsagawa ng kilos-protesta sa Commonwealth Avenue.
Nagkaroon din ng mga protesta sa iba pang bahagi ng bansa, kabilang ang Cebu, habang pinasalamatan ng PNP ang mga organizer at demonstrador sa pakikipagtulungan upang mapanatiling mapayapa ang mga pagtitipon.





