LA UNION – Arestado ang isang porter na umano’y tulak ng droga sa isinagawang buy bust operation kagabi sa Barangay Langcuas, San Fernando City, La Union.

Sa isinagawang operasyon ng San Fernando City Police Station, kasama ang La Union Police Intel Bureau, at PDEA Region One, inaresto ang isang Ronald Balanon, 22, residente ng Barangay Saoay, San Fernando City, La Union.

Kinumpiska ng mga otoridad mula sa pag-iingat ng suspek ang isang heat sealed plastic sachet ng umano’y shabu na tangkang ibenta nito; 2 pang recovered heat sealed plastic sachet ng suspected shabu, kabilang ang isang piraso ng P500 buy bust money.

Ang suspek kabilang ang mga kinumpiskang droga at ebidensiya ay nasa custodiya na ngayon ng pulisiya.

Nakakulong ngayon ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Sections 5&11 ng Article II sa R.A. 9165 ngayong araw.