LA UNION – Pinaghahandan ngayon ng lokal na pamahalaan ang magaganap na simultaneous ASEAN Landmark Lighting sa harap ng St. Peter and Paul Parish Church sa bayan ng Bauang, La Union.

Ayon kay Bauang Municipal Information Officer Myrna Romero, gaganapin ang naturang aktibidad alas-8:00 ng gabi sa August 08, 2017.

Tampok aniya sa akasyon ang pagrampa ng mga piling high school students ang iba’t ibang pambansang kasuotan ng mga miyembro ng ASEAN.

Napili ang bayan ng Bauang bilang venue dahil ang naturang simbahan ay isa sa pinakalumang gusalin at nasisilbing landmark ng bansa.