BAUANG, La Union – Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa pangloloob ng umano’y termite gang sa Summit Bank sa Barangay Central East sa bayan ng Bauang, La Union.

Nadiskobre ng mga empleyado na napasok ng magnanakaw ang bangko nang bukasan nila ito dakong alas-9:00 kaninang umaga.

Pinaniniwalaan na dumaan umano ang mga suspek sa kanal at gumawa ng lagusan sa ilalim ng lupa upang mapasok ang nabanggit na gusali.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaalam pa rin ng pulisya kung may mga nawalang pera o mahalagang kagamitan sa loob ng bangko.