LA UNION – Humaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang surfing instructor matapos itong mahuling nagbebenta umano ng marijuana sa Barangay Urbiztondo sa bayan ng San Juan, La Union.

Nakilala ang suspek na si Darwin Camara, 31, residente ng Barangay Lingsat, lungsod ng San Fernando, La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa San Juan Police Station, nakompiska mula sa pag-iingat umano ng suspek ang apat na sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana at ang P500 bill na nagamit bilang buy-bust money.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinaggagalingan ng drogang ibinebenta umano ng suspek.