Sumalubong sa unang araw ng Pebrero ang taas presyo sa Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Ayon sa Department of Energy na mayroong P0.70 sa kada kilo ng LPG.

Nangangahulugan ito na dagdag P7.70 sa kada 11 kgs. ng household LPG cylinder.

Isa sa mga dahilan na nakita ng DOE ay ang mataas na demand ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

Magkakaroon naman na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong langis sa susunod na linggo.

Base sa pagtaya ng DOE na maglalaro mula P0.40- P0.70 sa kada litro ang pagtaas sa gasolina.

Habang ang diesel ay may bawas na mula P1.30 – P1.60 sa kada litro.

Ganun din sa kerosene na mayroong bawas na P0.85- P1.00 sa kada litro.

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong langis na kadalasang ipinapatupad sa araw ng Martes.