LA UNION – Idineklarang fire out ang nangyaring sunog sa San Fernando City Public Market kaninang alas 6:00 ngayon umaga.

Maala na nangyari ang malaking sunog kaninang ala una ng madaling araw na nagmula sa isang grocery stall na nasa loob ng palengke.

Sa karagdagang update ng Bombo Radyo La Union higit sa 10 fire trucks mula sa karatig bayan ang natutulong-tulong upang mapatay ang apoy.

Inaasahan na aabot sa ilang milyon ang halaga ng danyos dahil sa pagkasunog ng 100 pwesto.

Wala namang naitatalang nasugatan sa nasabing insidente.

Patuloy pa rin ang ginawang imbestigasyon ng mga otoridad sa kung ano ang dahilan ng nasabing sunog.