Nahaharap sa patong-patong na kaso ang 13 turista matapos na mahuli sa isinagawang entrapment operation dahil sa paglabag ng mga ito sa border entry control sa Brgy. Urbiztondo, San Juan, La Union alas-7:00 kaninang umaga, July 3.
Sa panayam ng Bombo Radyo kenni Pol. Major Gerardo Macaraeg, hepe ng San Juan Police Station, nahuli ang mga ito sa isang hotel sa Brgy. Urbiztondo matapos na magpakilala sa border checkpoint sa bayan ng Rosario na magpa-pass through lamang sa lalawigan kundi didiretso pala sa bayan ng San Juan.
Agad na a inalerto ng mga otoridad ang lahat ng kuerpo ng pulisya ilang minuto na walamg update ti pass through slip ng mga turista.
Maliban dito, wala rin maipakitang requirements na hinihingi ng Provincial Government of La Union sa pagpasok nila sa lalawigan.
Kasalukuyang inihahanda ng mga otoridad ang mga isasampang kaso laban sa mga violators habang isinasangguni ang pagtanggal sa business permit sa may-ari ng establishimento na tinuluyan ng mga ito.
Bago mahuli ang mga violators, napag-alaman na nakapag book na mga ito sa hindi na pinangalanang establishimento para sa isang araw na bakasyon sa La Union.
Samanantala, 2 sa mga nahuli ang empliyado umano sa Department of Health at may isang menor de edad na kasama ang mga ito.