Pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang 17 pamilya o 70 katao na nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa Barangay 3 sa lungsod ng San Fernando, La Union.
Ayon kina Denmark Reyes at Susan Marasigan, mabilis na kumalat ang apoy mula sa tinitirhan ng mga ito na lumang bahay na yari sa light materials at wala silang naisalbang gamit.
Nadamay pa ilang tirahan at tindahan na naabo sa pangyayari.
Tumagal ng halos tatlong oras ang sunog bago ito naapula ang mga nagrespondeng bumbero.
Innalam na rin ngayon ng mga otoridad ang sanhi ng sunog at ang iniwan nitong pinsala sa mga ar-arian.
Sa kabila ng sakuna, nagpapasalamat naman ang mga biktima dahil walang nasaktan sa insidente.
Agad namang nagpaabot ng tulong gaya ng damit at pagkain ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng apektado ng susunog.