BR LA UNION – Umabot sa 215 ang kabuuan ng bilang ng mga bumotong kongresista para sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Mula ito sa bilang ng mga mambabatas na 318.
Sa nasabing numero ay 255 ang mga mambabatas mula sa mga distrito at 63 mambabatas mula sa mga partylist.
Nangangahulugan na nalagpasan ng Kamara ang target nilang bilang na 102 lamang.
Sa pagsusulong kasi ng impeachment sa Kamara, kailangan lamang ng one-third ng lahat ng House members para makausad ang reklamo.
Dahil dito, pumili na ang lower House ng kanilang prosecutors.
Narito ang mga napiling mga taga-usig:
Rep. Gerville Luistro
Rep. Romeo Acop
Rep. Rodge Gutierrez
Rep. Joel Chua
Rep. Raul Angelo Bongalon
Rep. Loreto Acharon
Rep. Marcelino Libanan
Rep. Arnan Panaligan
Rep. Isabel Maria Zamora
Rep. Lawrence Defensor
Rep. Jonathan Keith Flores
Dahil dito, inaasahang ipadadala na ang kopya ng verified complaint sa Senado.
Sa oras na matanggap nila ito, magco-convene ang mga senador bilang Impeachment Court na maglilitis sa kaso.
Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang tanggapan ni VP Sara Duterte hanggang sa mga oras na ito. (By Bombo Analy Soberano)