Naging pula ang kahabaan ng national hihway dahil sa pagdumog ng napakaraming supporters ni presidential aspirant Ferdinand Bongbong Marcos kaugnay ng isinasagawa na Unity caravan dito sa buong lalawigan ng La Union.
Kung maala, sa unang datos ni Shiel Ancheta, Provincial Coordinator BBM- Caravan La Union ay umabot na sa 16,000 ang nagparehistro sa nasabing caravan.
Ayon naman kay KBL National Presidente Efren Rafanan maaring ang kasalukuyang BBM caravan ang siyang pinakamadami sa lahat.
Gayunman, iginiit ni Rafanan na ang nasabing caravan ay boluntaryong ginawa ng lahat ng supporters ni BBM.
Galing ang mga nakinabahagi sa caravan mula sa bayan ng Rosario at bayan ng Sudipen kung saan nagkasalubong ang mga ito sa mismong centro ng San Fernando City patungo sa Baywalk na bahagi ng Barangay Poro dito sa lalawigan.
Kaugnay nito, tinatayang umabot sa 20,000 hanggang 30,000 a kabuuang nakilahok sa Unity caravan ngayon araw November 27, 2021.