Naging laman ng balita ang inaasahang pagsasara sana ng isang kawani ng elektrisidad sa La Union kahapon.
Gayunman, hindi na ipinasara ng Local Goernment Unit sa bayan ng Balaoan ang pagpapasara sana sa Luelco La Union branch dahil sa hindi nito pagbabayad ng buwis.
Sa naging panayam ng Bombo RadyoLa Union kay Mary Jane Turalba, Municipal Treasurer, sinabi nito na umabot sa limang taon na hindi nakapag bayad ng buwis ang nasabing establishimento.
Aniya, sinabi umano ng Luelco Balaoan na kasapi umano sila sa cooperatiba kung saan kasama ang mga ito sa
hindi na magbabayad ng buwis.
Ngunit mismong ang Luelco Aringay ang nakatuklas na ang nasabing establishimento ay hindi umano kasama sa kooperatiba na siya naman nagbigay nga impormasyon sa municipyo.
Ayon din kay Balaoan Mayor Aleli Concepcion na binigyan nila ng taning ang Luelco Balaoan ng hanggang alas 2 ng hapon kahapon. Ngunit bago pa ito ay nakapagbayad na ang nasabing establishimento ng buwis na aabot sa P1.3 milyon pesos sa panayam ng Bombo Radyo La Union.
Dagdag pa ni Mayor Concepciom na bagaman at nakapagbayad na ng kaukulang buwis ang Luelco Balaoan ay mayroon pa umano rin itong kakaharapin na reklamo sa usaping legal.
Sa ngayon sinisubukan pa ng Bombo Radyo La Union na kunin ang panig ng Luelco Balaoan Office.