LA UNION – Muli na naman naging matagumpay ang isinagawang Bombo Singing Idol 2018 ng Bombo Radyo La Union sa City Plaza ng San Fernando, La Union kagabi.
Itinanghal na kampion bilang Singing Idol sa adult category ang jeepney driver na si Nestor de Guzman, 55, ng Barangay Nambongan, sa bayan ng Sto. Tomas, habang 1st runner-up si Rhea Mejos ng Bauang; at 2nd runner -up si Dionisio Valmores, Jr. ng Bacnotan.
Namayagpag bilang Singing Idol isang senior high school sa Kabataan category si Arielamie C. Apalis, ng Bugallion, Pangasinan, 1st runner-up si Razzel Lyn C. Sibayan, ng Bacnotan; at 2nd runner-up si Rovy Ann D. Aglosulos, ng Bauang.
Bawat isa sa mga nanalo ay tumanggap P10,000 para sa kampeon, P7,000 sa 1st runner-up at P5,000 sa 2nd runner up kabilang ang certificate of participation bilang pagkilala sa kanila.
Sa naging panayam kay de Guzman, nagpapasalamat ito sa pagkakapanalo kung saan hindi nito inaasahan na kaya pa nitong kumanta at nakikipagsabayan pa sa mga mas bata sa kanya.
Ayon naman kay Apalis, nagpapasalamat din ito dahil sa pagkakataon na kinilala rin siya sa galing ng pag-awit kahit na galing pa ito sa Pangasinan.
Samantala, ilang dayuhan naman kasama ang kanilang mga asawang balik bayan ang nag-enjoy sa paligsahan ng pag-awit ng Bombo Radyo.
Ang Bombo Singing Idol 2018 na handog at pasasalamat ng Bombo Radyo Philippines ay naging bahagi rin sa programa ng sa pagdiriwang nga ika-20 anibersaryo ng lungsod ng San Fernando.