Pahirapan ang ginawang pagboto ng mga botante sa Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) matapos magkaroon ng problema ang isang Vote Counting Machine sa isang presinto mula sa Cluster 114.
Simula nang magbukas ang mga polling centers sa nasabing unibersidad kaninang umaga ay dagsa na ang mga botante sa layuning maagang makaboto at iniiwasan talaga na maabutan sila ng init ng panahon.
Ngunit sa kasawiang palad, isang VCM ang umano’y nagkaroon ng problema nang hindi kayang isubo ang mga balota.
Sinabi ng isang botante na naghintay sa mahabang pila na si Ruby na may isang support staff ang nagsabi sa kanila na umuwi muna at bumalik na lamang habang inaayos pa ang makina.
Dahil dito, ilan sa mga nakapilang botante ang umuwi pero karamihan ay naghintay talaga para tapusin na ang pagboto at hindi inalintana ang matinding init ng panahon.
Nakadagdag pa sa problema ang hindi malilim na bahagi ng DMMMSU kung saan nakapila ang tinatayang dalawang libong mga botante.
Ang mga nakikitang botante na nakapila ay mula lamang sa Cluster 114 at 116.
Ang DMMMSU ay binubuo ng 8 clusters at 40 mga presinto.
Sakop nito ang mga botante mula sa tatlong malalaking barangay sa siyudad ng San Fernando na kinabibilangan ng Barangay Sevilla, Catbangen, at Madayegdeg.
Kaugnay nito, patuloy pa rin na dinadagsa ng mga botante ang mga polling precint sa mga paaralan upang isagawa ang kanilang pagboto upang piliin ang kanilang mga kandidato para sa national at local election ngayon araw May 9, 2022.
Karamihan din sa mga nakitang bomoto ang mga persons with dissabilities mula sa iba’t-ibang lugar dito sa La Union.
Ilan din sa mga PDW’s na bomoto ay nakasaklay, naka wheel chair, may mga tungkod at inaakay ng mga kamag-anak sa loob ng polling precinct.
Bamagaman at may mga pila para sa mga botante, ay may priority lane para sa mga PDW’s, mga senior citizen at kasama na rin dito ang mga inang botante na nagpapasuso.
Gayunpaman ay halos iisa ang obserbasyon ng Bombo Radyo News Team na nagco-cover ng The Vote 2022 sa lahat ng polling precinct na hindi nasusunod ang physical o social distancing na isa sa mga guidelines laban sa Covid 19 virus.
Samanantala, nananatili na tatlong kandidato para sa Bise Mayor ang unopposed at isa naman ang kandadito bilang mayor ang unopposed sa lalawigan.