Boluntaryong sumuko sa Balaoan Police Station ang isang wanted person na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Nakilala ito na si mayoralty candidate Victor Marvin Marron y Ubungen, 50-anyos, isang negosyante, at residente ng Barangay Oaqui 4, sa bayan ng Luna, La Union.

Base sa police report, nag-ugat ang kaso ng suspek sa di umano pagkakabaril sa isang mangingisda noong Marso 5, nga taong kasalukyan sa kahabaan ng barangay road, na bahagi ng Barangay Pila, sa nasabing bayan o malapit sa barangay hall.

Nakilala ang biktima sa pangalan Sonny Sales, 44-anyos, residente ng Barangay Consuegra, sa bayan Bangar, sa lalawigan .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay PMaj. Ronald Allan Rupisan, acting chief od police ng Luna Police Station, ikinukonsidera na ang nangyaring pamamaril ay isang election related incident.

Ayon pa kay Rupisan, maliban kina Ernesto Pajimola; Romer Taguiam; at Victor Marron na nahaharap sa kasong frustrated murder ay kasama rin sa kakasuhan si Gilbert Asuncion ng attempted murder.

Dagdag pa ni Rupisan na may mga surrender filler na rin silang natatanggap mula sa iba pang mga suspek bagamat at large pa rin sa ngayon ang mga ito.

Sa kasalukyan, ang suspek ay nananati pa sa custodiya ng Balaoan Police Station.

Samantala, inrekomenda ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Br 34, Balaoan, La Union sa sala ni Judge Marita Bernalles Balloguing, ang P200,000 na piyansa sa suspek para sa temporaryo nitong paglaya.