LA UNION – Umani ng libu-libong reaksiyon ang mga larawang ini-upload ng isang netizen sa social media hinggil sa binili ng kanyang ina na ice cream, ngunit spaghetti pala ang laman sa lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Sa anim na larawang ini-upload sa sariling Facebook account ni Nikki Calalang, ay isinulat nito ang caption sa wall na bumili ng ice cream sa isang sumpermarket sa lungsod ang kanyang ina, ngunit nang bukasan nila ito ay spaghetti pala ang laman.

“My mama bought an ice cream at Walter Mart San Fernando. Pagbukas namin, spaghetti yung laman. LEGIT, I SWEAR HAHAHAHHAHA :((( Hello Walter Mart Supermarket, pa-refund gusto ko ng icecream. Not frozen spaghetti 😭”, sabi ni Nikki.

Agad silang pumunta sa customer service ng supermarket at humingi naman nang paumanhin ang pamunuan nito.

Pinalitan din nila ng totoong ice cream ang nabili nilang frozen spaghetti at mag-iimbestiga rin ang mga ito hinggil sa nangyari.

Nakiusap naman ang pamunuan ng supermarket at burahin ang nai-post nito sa FB, ngunit hindi pumayag si Nikki dahil sa aniya’y isang “hilarious” o nakakatuwa ang pangyayari at hindi naman sila nagagalit sa management.

“Okay, so we went back, went straight to the Customer Service. Same old, they apologized and replaced the spaghetti with a real ice cream. It was okay. They told us that they’re going to investigate, see who put that there and all that. They asked me to take down the post, I said no. 🙂 It’s not like we’re mad or something. It was really just hilarious. Coz it really was 😂

Anyway, they didn’t give us anything other than the ice cream. No complimentary ice cream…. I was really waiting for another ice cream tub jk.” ani ni Nikki.

Sa ngayon, umaabot na sa mahigit 17,800 shares at mahigit 50,000 likes na ang naturang topic na naka-post sa nasabing FB account.

Bukas naman ang himpilan na marinig din ang panig nang nasabing supermarket.