LA UNION – Umaabot sa P1.9 million ang halaga ng mga tanim na marijuana ang sinira ng mga kawani ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa mga nadiskobreng plantasyon sa boundary ng Barangay Badeo, Kibungan, Benguet at Barangay Sapdaan, Santol, La Union.
Nabatid ng Bombo Radyo mula sa La Union Police Provincial Office, dalawang plantasyon ang makasunod na sinalakay ng mga otoridad sa naturang lugar.
Binunot at sinunog ng mga alagad ng batas ng mga nasabing pananim upang hindi na mapakinabangan.
Patuloy naman na inaalam ng otoridad ang nangangasiwa sa mga nasabing taniman ng marijuana.