Malaki umanong tulong lalo na sa mga mahihirap na kababayan ang pagkakaroon ng Malasit Center sa La Union.

Ito ang naging pahayag ni San Fernando City Mayor Dong Gualberto sa isinagawang inauguration ng Malasit Center sa Ilocos Training & Regional Medical Center sa pangunguna ni Senator Christopher Bong Go kamakalawa.

Ayon kay Mayor Gualberto, na mahigpit ang kanilang pagsurotda sa nga ipinapatupad na programa ni Pangulo Rodrigo Duterte.

Kung maalala, may inilaan ang Office of the President na P5 milyon pesos kada buwan at P10 milyon pesos naman mula sa opisina ni Sen. Go para naman sa medical assistance ng mga indigent patients ng Malasakit Center.