Walang naitalang kaso ng nasaktan sa San Fernando City, La Union matapos ang malakas na pagyanig.

Una rito, naitala sa Lagangilang, Abra ang epicenter ng lindol na umabot sa 7.0 magnitude.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang paglilibot ng City Engineering Office (CEO) sa iba’t ibang gusali sa siyudad upang masiguro ang kaligtasan ng mga establisyemento.

Pinapayuhan naman ang lahat na mag-ingat at magmasid sa mga anunsyo dahil inaasahan na aftershocks ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLC).

Samantala, pinalabas naman ang lahat ng empliyado sa Provicial Capitol of La Union dahil sa lindol.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng mga manggagawa.

Una ng nagpalabas ng Executive order si 𝐄𝐱𝐞𝐜𝐮𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐎𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐍𝐨. 𝟏𝟎 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐨𝐟 𝟐𝟎𝟐𝟐 si 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐨𝐫 𝐑𝐚𝐩𝐡𝐚𝐞𝐥𝐥𝐞 𝐕𝐞𝐫𝐨𝐧𝐢𝐜𝐚 “𝐑𝐚𝐟𝐲” 𝐎𝐫𝐭𝐞𝐠𝐚-𝐃𝐚𝐯𝐢𝐝 kaugnay ng suspension sa lahat ng trabaho sa pribado at gobierno.