LA UNION – Kalaboso ang isang menor de edad matapos na masakote dahil sa pagpasok at pagnanakaw nito sa isang construction hardware sa Barangay Bulala, Bacnotan, La Union.

Ang suspek ay isang 17 anyos, construction worker at residente ng Barangay Tammocalao sa nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Bacnotan Police Station, ipinagbigay alam sa kanila ng may-ari ng Construction Supply na kanilang namonitor na ang CCTV na nakakabit sa kanilang puwesyo ay nakapatay kung saan inakala nila na may gumalaw dito. Agad silang humingi ng tulong sa Bacnotan Police Station kasabay ng pagkakaaresto sa habang nasa loob ng establishimento.

Nakumpiska mula sa suspek ang (1) transparent plastic sachet na naglalaman ng di umano dried Marijuana leaves and fruiting tops na nagkakahalaga ng P 1,200 pesos; motor at iba’t-ibang uri ng construction materials at tools.

Ang suspek ay pansamatala muna sa kostudiya ng Municipal Social Welfare and Development Office sa bayan ng Bacnotan.

Nahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa PD 1612 at RA 9165 o Dangerous Drug Act of 2002.