LA UNION – Muli na naman umatake ang mga kawatan alas 10:36 kagabi.

Ito ay matapos nilang pasukin ang dalawang ATM machine ng dalawang bangko sa magka-ibang lugar sa Barangay Catbangen, San Fernando City, La Union.

Bago ito, narinig ng guwardiya ng Department of Education na si Sherwin Valfez Rivera, 25 anyos, residente ti Barangay Talogtog sa bayan ng San Juan sa lalawigan na may nagpupukpok ng martilyo malapit sa ATM machine ng Landbank at ATM machine ng Philippine Business Bank.

Agad itong humingi ng tulong sa mga otoridad na agad din naman nagresponde sa lugar.

Dito na tumambal sa mga otoridad ang kanal na dinaanan ng mga suspek hanggang sa marating mga ATM machine.

Narekobre ng mga otoridad ang (2) piraso ng hydraulic jack, (2) piraso ng metal saw, (4) na piras ng metal strap at (6) na piraso ng solid wood.

Napag-alaman na agad tumakas ang mga suspek patungo sa kanlurang direksyon.

Patuloy pa rin ang imbistigasyon ng mga otoridad upang malaman a pagkakakianlan sa mga suspek.

Humingi na rin ng tulong ang San Fernando City Police sa Scene of the Crime Operative o SOCO upang masawata ang mga kawatan.

Samantala sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Police Lt. Col. Fernando G. Acain Jr na ang insidente ay maituturing na failed robbery. Pasalamat rin ito na walang natangay ang mga kawatan sa dawalang ATM machine.