Kapwa patay ang magkapatid matapos na masuffocate sa loob ng balon sa Barangay Lisqueb, Bacnotan, La Union.

Nakilala ang magkapatid na namatay na sina Freddie Espiloy, 42-anyos at Federico Espiloy, 48-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo La Union mula sa Bacnotan Police, nagresponde ang mga otoridad sa lugar kasama ang Bureau of Fire at Municipal Dissaster Risk Reduction Management Office ng nasabing bayan matapos matanggap ang balita.

Sa imbestigasyon ti pulisya, unang bumaba sa loob ng balon si Freddie upang linisan ito kasunod ng pagsigaw nito upang magpasaklolo dahil sa nahihirapan itong huminga sa loob ng balon.

Agad bumaba sa balon si Federico upang tulungan ang kapatid ngunit kapwa umanong hindi nakahinga ang makapatid sa lalim na 65-feet.

Sa isinigawang retrieval operation ng mga otoridad sa lugar, unang iniahon ang katawan ni Federico alas-10:50 ng umaga at alas-11:10 naman ang kay Freddie.