Makikipagtambalan si Josh Cullen ng SB19 kay Korean-American rapper at singer na si Jay Park para sa bagong single na “Like Me,” na ilalabas ngayong Setyembre 24.

Inanunsyo ng 1Z Entertainment ang collaboration at ito ang bagong solo project ni Josh sa labas ng SB19.

Si Josh ang huling miyembro ng grupo na naglabas ng solo music ngayong taon, kasunod nina Felip, Justin, Pablo at Stell.

Noong 2024, inilabas niya ang kanyang solo album na “Lost & Found.”