LA UNION – Namatay habang ginagamot sa Ilocos Training Regional & Medical Center ang isang binata matapos na dumangga ang minaneho nitong motorsiklo sa likuran bahagi ng van sa kahabaan ng national highway ng Barangay Baccuit Sur, sa bayan ng Bauang, La Union.

Nakilala ang biktima na si Romel Flores, 23, residente ng Barangay Daramuangan sa bayan ng Naguilian sa lalawigan.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Bauang Police patungo ng timog na direksyon ang motorsiklo na minamaneho ng biktima at ng makarating sa pinangyarihan ng aksidente nabangga umano nito ang likurang bahagi ng van na minaneho naman ni Dennis Bucasas, 43, residente ng Mangaldan, Pangasinan.

Gayunman, nag-usap na umano ang dalawang kampo kung saan inako ni Bucasas na magbibigay ng P20,000 burial assistance para sa namatay na biktima.