LA UNION – Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pagkakapaslang sa Barangay Chairman na kasama sa narco-list Barangay Maoasoas sa bayan ng Pugo, La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay PSI Nestor Juanbe, Officer-in-Charge ng Pugo Police Station, inaalam pa nila kung may kaugnayan ito sa nakanakabinbin kaso sa hukuman na may kinalaman sa pag-iingat sa bawal na gamot at illegal possession of firearm.

Samantala, base sa datos ng Police Regional Office 1, aabot na sa siam ang nailistang high value target ng Rosario Police Station kung saan kabilang dito ang (3) Brgy. Chair na kinabibilangan ng napaslang na biktima at (6) na Brgy. Kagawad.

Kung maalala, habang kausap ni Kapitan Ruben Genetiano ng Barangay San Jose, Rosario, La Union karpentero sa isang ipinapatayong bahay ay nilapitan ito ng hindi pa kilalang suspek na nakasakay ng kotse kasunod ang pamamaril.

Tatlong basyo naman ng calibre 45 na baril ang narekobre ng mg otoridad na posibleng ginamit sa pamamaslang ng mga suspek.