LA UNION – Usap-usapan ngayon ang panganganak ng inahing kambing ng anim na guya sa Barangay Talogtog sa bayan ng San Juan, La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa may alaga ng naturang kambing na si Mang Alejandro Cabading, sinabi nito na isinilang ang anim na malulusog na guya noong June 19, 2020.

Masaya si Mang Alejandro dahil bihira lamang na manganak ang isang kambing ng ganong karaming guya.

Karaniwan ay nanganganak laman ng dalawa o tatlong guya ang isang inahing kambing.

Sa kabila ng mayroong anim na guya si Mang Alejandro ay nasambit na nito na magastos ang pag-aalaga sa mga ito dahil bumibili ito ng gatas na ipinapasuso.

Matatakaw din ang kanyang mga alaga sa gatas.

Dalawang guya lang aniya ang maaaring sabay na pasusuhin ng inahin dahil dadalawa lamang ang utong nito.

Samantala, marami ang nagkakainteres na bilihin ang mga alaga ni Mang Alejandro dahil sa paniniwalang magaganda ang lahi ng mga ito at masipag manganak.